Para Sa’yo
Lately, parang Facebook at Tumblr na ang nagiging diary ko. Ang sarap lang kasing ipalabas yung tunay mong saloobin kasi wala ng nakakaintindi sayo. Naisip ko lang kasi kung kaya ko pang maghold sa taong parang ang luwang na ng kapit sa akin. Yung taong sasabihan ka ng atat, maka-irita at samok kung hinahanap mo sya. Alam ko namang nakakailang tawag at texts ako sa kanya kapag ilang minutes na siyang di nagrereply. Eh nasa long distance relationship kami eh. Alam niya na din na hindi na buo ang trust ko sa kanya. Masisisi ko kaya sarili ko?
Oo, ayokong umiinom siya o gumala lalo na kapag kasama niya mga friends niya sa Kabacan e kasi naman hindi talaga ako nagtitiwala sa mga yun. Sila kasi ang mga kasama niya nung lumihis siya ng landas. Yung feeling na kapag magkasama sila, pinagkakaisahan ka nilang lokohin. Ewan ko ba.
Pinipilit ko namang intindihin siya. Hindi ko naman siya sinasakal kasi kahit anong sabi at paki-usap ko na wag na munang uminom o ano, hindi naman siya nakikinig. Yun kasi yung reklamo niya. Sinasakal at ina-under ko daw siya. Pa’no mo naman sasakalin at magiging under ang isang taong hindi naman nakikinig sayo?
Ang hirit niya pa kung mahal ko talaga siya, tatanggapin ko kung anuman siya. Matatanggap mo sana siya kung bago pa kayo nagkakilala eh ganun na siya kaso hindi. Hindi kasi siya ganyan before. Ang inosente niya, walang bisyo, mabait, faithful. Ganyan ang pagkakakilala ko sa kanya. Dun ko siya minahal eh. Ngayon, pano mo mamahalin ang taong hindi mo na kilala?
Accept ko sana siya kung ano siya pero alam mo kung ba’t ganyan na lang ako makareact kung umiinom o sumasama siya sa barkada niya? Eh kasi galing naman talaga mismo sa kanya na hindi na daw siya iinom. Ang sabi niya pa lalayo na daw siya sa barkada niya. Ang sabi niya magfofocus na daw siya sa studies niya. Kasi gusto na nyang magbago at bumawi. Hindi ko naman siya inutusan na gawin at sabihin niya yun. Galing mismo sa kanya. Yan kasi ang problema ng mga lalaki. Nagpapromise pero in the end, kakalimutan lang nila ang sinabi nila. Ayaw mo sanang umasa eh pero dahil sa mga sinasabi nila, umasa ka na lang tuloy. Wag na lang sana silang magbitiw ng kahit anong salita kung hindi nila kaya panindigan. Ang sa kanya lang daw, nagsasabi na siya ng totoo ngayon. Hindi na siya nagsisinungaling. Pero hindi na lang naman ang pagsisinungaling ang issue dito eh. Ang pagtupad na ng mga salitang binitawan mo. Diba?
Feel ko kasi na hindi pa siya nakakabawi sa mga kasalanan na nagawa niya. Isipin nyo na lang. Dyan lang niya kayang magpuyat ng sabayan sayo kapag may project at exam siya kinabukasan o di kaya nag-iinuman sila. Yung hindi ikaw ang rason kung bakit siya matagal kung matulog. Sa gabi ko lang kasi ineexpect ang time niya para sa kin. Eh kasi sa umaga, nag-aaral siya. Kapag break time niya, tulog naman o isang oras kung kumain. Kaya sa gabi ko ineexpect na magconcentrate muna sa akin. Pero eto, gaya ngayon tulog siya. Alas 9 pa lang. Kung kanina nga inumaga na siyang matulog dahil lang sa pag-inom tapos ngayon, wala. Yung hindi na nga siya uminom kaso pagod naman siya pagdating sayo.
Tapos sinabihan ka na niya na wala siyang regalo sa anniversary niyo kasi wala siyang pera pero sinabihan mo siya na hindi naman lahat ng regalo ay nabibili. Mantakin niyo, anniversary na anniversary naging busy siya. Ang sabi niya nag-upload siya ng video, eh di naman napost. Ang sabi niya try niya kinabukasan pero naging busy siya. Hanggang sa ngayon, wala pa. Nakalimutan nya na. Nakakasama lang ng loob kasi kapag may nagtatanong sayo ‘Eh siya, anong niregalo o hinanda niya sayo nung anniversary niyo’ Tapos ang sagot mo na lang ‘Wala.’ Kasi wala naman talaga. Hindi ko lang kasi maintindihan na ang rason niya sa akin kung ba’t wala pa ang video kasi daw busy siya. Busy siya pero kaya niyang makipagpuyatan kapag inuman? Ganon? Hindi nya man lang naisip na kahit dun sa video at effort man lang, makabawi siya.
Ang masakit lang kasi dito ako na lang ang lumalabas na masama sa mga tao kasi ang akala nila ang strict ko. Ni hindi man lang nila alam yung side ko. Ni hindi nga alam ng parents niya na niloko na ako at nagkakabisyo na ang anak nila. Ang anghel pa rin ng tingin sa kanya. Hindi ko kasi maexplain side ko sa kanila kasi hindi naman kami close. Gaya ng sinabihan kong ‘B.I’ yung mga friends niya. Nakakarinig kasi ako sa FB ng parinig ng mga friends niya tungkol sa B.I na yan. Oo B.I naman talaga sila para sa akin. Sariling opinyon ko yun eh. Kasi yun yung naobserbahan ko. Pero hindi naman ako yung nagsabi na lumayo na siya sa friends niya. Siya naman ang nangako nun. Tapos yung pinaparinggan ka na, wala man lang siyang ginawa para ipagtanggol ka.
Kaya ko naman siyang intindihin eh. Sana lang marunong din siyang bumawi man lang. O di kaya kung inintindi na sya, sana man lang wag niyang abusuhin. Give and take ang isang relasyon eh. Hindi pwedeng ikaw na lang ang parating iintindi. Ang solusyon niya na lang kasi parati para makabawi ay yung magkita kami. Oo, masayang masaya kami kapag magkasama kami pero hanggan dun lang ba? Pa’no na lang ang mga araw na hindi kami magkasama? Mas marami pa yung days na yun kesa sa magkasama kami. Kaya dapat dun siya magpakita ng effort. Diba?
Pero infairness, may slight changes naman din sa kanya. Halos everyday ko na siyang nakakausap sa phone. Tapos sinasabihan niya na ako kung saan siya pupunta. Pag nagkikita kami, ang sweet naman niya pero…
Minsan naisip ko baka hindi niya na talaga ako ganun kamahal kasi parang ayaw niya nang ipahappy ako. Parang feeling ko naaawa na lang siya kaya siya nagsestay. Oo ako, mahal ko siya. Mahal na mahal. Kaya nga ako ganito diba? Sana kung totoong hindi niya na ako ganun kamahal, sabihin niya lang. Wag nyang iparamdam. Nakaya ko namang magmove on nung minsang nagbreak kami. Naging masaya din ako. Pero kinuha niya ulit ako. Pero ngayong nandito na ako sa kanya, pinapabayaan niya na lang ako. :’( Ayaw niya akong mapunta sa iba pero ngayong buong-buo na akong ‘sa kanya’, parang nabalewala naman ako.
Paulit ulit niyang sinasabi na thankful siya dahil nasa kanya pa rin ako kahit anong nagawa niya. Pero hanggang dun na lang ba? Thankful lang siya pero wala siyang plano bumawi? Ilang beses na rin siyang nagsabi na balang araw makakabawi din siya. Eh kelan kaya magsisimula yung pagbabawing yun? Kapag ako naman yung umayaw na? Kapag nathreaten na naman siya sa presence ng iba?
Naaawa na rin kasi ako sa sarili ko. Habang siya nageenjoy, ikaw umiiyak kasi parang feelng mo mag-isa ka lang. Sa tuwing nagkakaproblema kami, ni hindi na ako makakain. Kaya nga pumapayat na ako lalo tapos parang wala ako sa sarili. Yung nagseself pity ka na lang. Tinatanong mo sarili mo kung deserving ka ba sa treatment na binigay niya sayo na alam mo sa sarili mo na binigay mo na lahat ng effort at pagmamahal sa kanya. Alam mong deserving ka ding mahalin. Ganun.
Gusto ko lang naman na makausap siya. Yung pag-uusapan namin kung ano nang estado ng relationship namin. Kung magwowork out pa ba. Kasi kung oo, pag-uusapan namin ang mga bagay-bagay na gusto niyang intindihin ko. Sasabihin ko rin sa kanya na kelangan intindihin niya rin yung mga pangangailangan ko. Kung hindi na, eh di let go. Ganun lang kasi kasimple. Dapat pag-usapan. At dapat tuparin kung anuman yung pinag-usapan. Minsan gusto ko na lang gumawa ng kontrata para may ipakita naman ako kapag sumuway man siya.
Mahal ko siya kaya hanggang ngayon naghihintay pa rin ako sa mga pagbabago niya. Sana wag lang mauwi sa wala.
Sana mabasa niya to. Pero siguro hindi. Paki relay na lang sa kanya. Hahaist.
Pasensya na kung tagalog words ang ginamit ko kahit di naman ako Tagalog. Sa ganitong lenggwahe lang talaga ako kumportableng magshare. Salamat sa pagbabasa kung natapos nyo man.
Kaya natin to! In the end, kelangan mahalin pa rin natin ang sarili natin. <3
-
isdarepublic said:
i’ve been there. maaus lang na! :)
-
isdarepublic likes this
-
skinnyvscurvy posted this
